L'HOMME DE MES RÊVES
QUI EST-CE?


Kakaattend ko lang sa online class nung hapong yon dahil sa sobrang pagod ay nakatulog na ako. Sobra na ata ang aking pagsasagot.

Sa panaginip ko,isang lalaki ang nagpakita, hindi ko mawari, nagtataka ako kung bakit hindi ko nakikita ang mukha niya tanging damit lamang.

"Ikaw" sabi nito at paulit-ulit niya itong binabanggit. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinatawag, hindi ko naman siya kilala.

"Buti at bumalik ka na" sabi pa nito, hindi ko alam kung bakit niya ako kinakausap na para bang close kami sa isa't isa.

pero bakit parang kilala na namin ang isa't isa? kilala niya ako, at kahit anong gawin ko ay patuloy padin akong naattract sa kanya

Tanging boses niya lamang ang naririnig ko at puro damit niya lang, glimpse niya lang ang naaaninag ko pero hindi ko makita ang mukha niya.

"Ji-yen gising naaa!, ano ba malalate ka na sa sunod mong klase". malakas na palahaw sakin ni eomma. "Opo Ma" sabi ko.

Iniisip ko pa din kung ano ang gusto niyang sabihin, Maharlika? Mahaba? ang alin buhok ko ba? Mahal? ang alin ang merch? sari sari napasok