Jusqu'à la fin

Première rencontre

Pablo.

Matalino. Nag-iisang anak ni Aling Cely. Tahimik. Sa murang edad ay napakadedikado sa larangan ng musika.

Mahilig mapag-isa at hindi madalas nakikipag-usap sa ibang tao.

Pangarap nya ang maiparinig ang kanyang musika at magtanghal sa maraming tao.

Ang dami na nyang nagawang kanta ngunit hindi sya nabibigyan ng oportunidad para madinig ito ng madla.

Sa dami ng napagdaanang failures at rejections, unti unti na syang nawawalan ng pag-asa.

"Anak. Linisin mo yung kabilang kwarto. Simula ngayon dito na titira si Rhea. Anak ng kaibigan ko", ani Aling Cely.

Pablo image

Pablo

"Nay, bat dito? Bat kailangang ikaw kumupkop jan eh hindi natin sya kaanu-ano?"

"Anak walang may gusto sa nangyare. Wala na ang aking kaibigan. Kahit ito man lang ang pwede kong gawin para makabawi sa kanya" - Aling Cely

Napagtanto ni Pablo na hindi na nya mababago ang desisyon ng ina kaya't sumunod na lamang ito.

Rhea image

Rhea

"Tita, ok lang po kahit wag na po ako dito tumira. Gagawan ko na lang po ng paraan."

"Anak. San ka pupulutin? Wala ka ng ibang kamag-anak. Walong taong gulang ka pa lang. Hindi ako papayag...

Pinangako ko sa mama mo na kung ano mang mangyare saming dalawa, hinding hindi namin hahayaan ang pamilya ng isat-isa ..

Napakaliit na bagay ito para makabawi sa lahat ng naitulong ng mama mo sakin. Kaya please anak, sakin ka na tumira "- ani Aling Cely

Nakayukong nakikinig si Pablo sa usapan ng kanyang ina at ang batang bisita. Labis siyang nahiya sa inasal at naawa sa bisita.

Habang nag-aayos sa kwarto, hindi mawala sa isip nya ang mukha ng batang bisita.

Mugtong mugto ang mga mata na para bagang sumisigaw at nanghihingi ng tulong.

Hindi nya alam ang mararamdaman sapagkat sya ay naiinis at nagagalit dahil sa kadahilanang kailangan nilang kupkupin ang bata.

Ngunit hindi matanggal sa kanyang damdamin ang awa habang iniisip ang kalagayan ng batang bisita.

"Anak. Maaari ba kitang kausapin?" - ika ni Aling Cely habang dahan-dahang pumasok sa kwarto.

Umupo si Pablo sa gilid ng kama at tinabihan ito ng ina.

"Anak alam kong nabigla ka sa mga pangyayare. Hindi ko sya pwedeng pabayaan anak sapagkat napakalaki ng utang na loob ko sa mama nya.

Ito na ang huli kong desisyon at hindi mo na mababago ito anak" - Aling Cely

Nakayuko lang si Pablo habang nakikinig at naguguluhan sa mga pangyayari.

"Parehas kayo ng pinapasukang paaralan anak. Hinihingi ko na sana ay samahan mo sya bukas ...

dahil hindi pa siya sanay na mag-isa" - ani Aling Cely

Pablo image

Pablo

Ma, naiintindihan ko naman po yung desisyon mo pero sana maintindihan mo na hindi ko sya agad matatanggap"

Dali daling tumayo at tumakbo si Pablo sa kanyang kwarto.

Sa may pintuan ay nakita nya ang batang bisita na nakaupo sa sala habang nakayukong tumutulo ang mga luha.

Pumasok sya sa kanyang kwarto at sumandal sa pintuan nito.

Gulong gulo ang kanyang isipan habang nakatingin sa kisame.

Hindi mawala sa kanyang isipan ang mga mata ng batang bisita na parang nangungusap sa kanya at nanghihingi ng pang-unawa.

Hinawakan nya ang kanyang dibdib dahil sa lakas ng pintig ng puso nito. Hindi nya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman.

Galit, inis at pagkabigla. Napagdesisyunan nyang iwasan na lamang ang batang bisita.