Fin dall'inizio, sei tu

📓Prologue📓

LIZZY: "Tina! Look! Pablo's at the quadrangle!"

Tumingin naman ako at nakita ko nga si Pablo, kasama ang grupo niya at bawat isa sa kanila, ay may hawak na musical instrument. Maliban kay Pablo na tanging mic lang ang hawak.

Tanaw namin sila mula dito sa fifth floor ng building. Kakatapos lang kasi ng last subject namin, sakto naman na nagkakagulo ang mga estudyante sa nangyayari sa ibaba.

Kilala si Pablo at ang grupo nila dito sa University, and they are the hottest band in the Campus. HEARTHROB for short!

Well, sa ga-gwapo ba naman ng mga yan, halos maglaway ang mga kababaihan sa tuwing magpe-perform sila! At isa na ko doon! Dahil kay Pablo!

Sa totoo lang, Pablo and I have known each other since high school and...

I have a secret feelings for him.

But I never have the courage na aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Dahil sino ba naman ako kumpara sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Isa lang akong hamak na tagahanga niya.

Pero thankful ako, kasi isa ako sa mga itinadhanang maging kaibigan niya. Doon pa lang jackpot na ko.

LIZZY: "OMG! Ito ba yung sinasabi niyang surprise? OMG! kinikilig ako!" sabi niya habang kinikilig.

Lizzy is my bestfriend, and we've known each other since birth! Maganda, mabait, matalino. Campus Crush rin siya sa University na 'to.

Kaya nga hindi na ko magtataka kung siya ang babaeng nagustuhan ni Pablo.
I can see it in Pablo's eyes everytime na magkausap sila. Everytime na magkasama sila. And they spend a lot of time together lalo na nitong mga nakaraang araw.

I know that there is something going on between the two of them.

Pano ko nalaman yun?

Ganito, ike-kwento ko sa inyo!

#JamSwitrivalStories