Mãi mãi là của em
Xung đột

escahakdog
2021.02.02Lượt xem 63
Nandito kami sa condo ni Ken para pag usapan ang mga plano namen next year.
Nakita ko na mugto ang mata ni Ken. Panigurado namatay ung favorite character nia sa pinapanood niang anime.
"Ken ok kalang?" Tanong ni Stell.
Hindi umimik si Ken. There is something wrong with him.
"Alam nio na ba ha? Alam nio na bang lahat?" Naluluhang tanong nia.
Gulong gulo ako sa sinasabi ni Ken.
"Alam nio na bang may past sila Stell at Angel ha?" Pagalit na tanong ni Ken.
Hindi namin ginusto na itago kay Ken na alam na namin ang about kay Angel because we want Angel to tell Ken the truth. We don't want to ruin their relationship that is why we kept silent.
"Sorry Ken, hindi ko sinasadya" sabi ni Stell na pinipigil ang kanyang luha.
"Para din naman sa kapakanan mo yon-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla si Ken sumabat.
"Para sa kapakanan ko? Sa tingin mo Sejun makakabuti yon? Ha" galit na galit na sabi nia.
"Ano ba Ken, it's all in the past. Ikaw na ang minamahal ni Angel ano ba? Wag mo nang isipin ung nakaraan nila" hindi ko nakayanang mapigilan ang sarili ko na sigawan si Ken.
Lumabas si Ken dito sa kwarto nia and the silence remains in the room.
Di namin alam na ganon ang magiging reaction ni Ken.
Justin's POV
Pagkalabas ni Ken nanahimik nalang kaming apat. Walang gustong umimik pagkatapos ng lahat ng nangyari.
Tinawagan ni Josh si Ken.
"Hoy Ken bumalik ka nga dito" utos ni Josh kay Ken na padabog namang sinunod nito.
"Alam nio kayong dalawa, Ken at Stell, matatanda na kayo di na dapat kayo nagkakainisan tungkol sa nakaraan. At ikaw na Ken masyado kang nagpapadala sa emotions mo. Naturingang mag best pal nagaaway. Magbati na kayo" advice ni lolo Josh.
Ang galing talaga ni Josh mag advice. Sabagay mas matagal na siang humihinga dito sa earth kesa samin.
Nagbati na ung dalawa at masaya na uli kami
Hays kung wala si Josh dito baka malala pa toh.