Cho đến cuối cùng
Tôi rất hạnh phúc ở đó...



Stell
"Pau san ka na? Kanina pa nagsimula yung practice"


Josh
"Darating ka ba?"


Ken
"Tuloy na lang natin magpractice. Kanina pa walang reply si Pau"


Justin
"Napapadalas na ang pag absent niya sa practice natin. Nakakawalang gana"


Rhea
"Pau. Salamat sa pagsama sakin sa paggawa ng homework. Alam kong busy ka pero sinikap mo pa ding samahan ako ngayon"


Pablo
"Ano ka ba. Para ka namang iba. Alam mo namang para na tayong magkapatid. Simula pagkabata lagi tayong nagtutulungan"

Napakatahimik ng silid aklatan.

Tahimik ngunit nakabibingi ang pintig ng puso ni Rhea. Lingid sa kaalaman ni Pau, higit pa sa kapatid ang turing niya sa kanya.


Pablo
"Ganito kasi yan. Pumunta ka sa pahinang ito at ituturo ko kung paano"

Labing limang taong nakalilipas .

Maagang naulila si Rhea. Walong taong gulang pa lamang siya ay di inaasahan ang pagkamatay ng kanyang mga magulang dulot ng aksidente.

Matalik na magkaibigan ang mga nanay ni Pablo at Rhea. Kaya naman ang nanay ni Pablo ang nagpresenta upang alagaan si Rhea.

Kahit man ulila, ito ang nag udyok kay Rhea upang lalong magsumikap para sa sarili. Pinagsasabay nya ang pag-aaral at pagtatrabaho.

Simula pagkabata ay lagi silang magkasama. Maging sa tirahan ay magkapitbahay lamang sila.

Ipinangako ni Pablo sa kanyang sarili na aalagaan nya si Rhea sapagkat napakabigat ng pinagdaanan nito simula pagkabata.

...


Rhea
"Minsan iniisip ko, kaya ka laging nanjan dahil naaawa ka lang sakin"

Banggit nya sa kanyang sarili habang pinagmamasdan si Pablo na nagsusulat sa papel.


Rhea
"Kung awa lang ang dahilan para makasama kita kahit saglit, titiisin ko makasama ka lang. Kasi dun ako masaya ...