从一开始,就是你。

🔙闪回⏪

One time, nakita ko si Pablo na busy sa sinusulat niya habang nakaupo sa standby area ng University.

TINA: "Huyyy! Ano yang sinusulat mo ha! busy ka yata jan!" sambit ko nang biglaan ko siyang kinalabit mula sa likuran niya.

PABLO: "Huy ka rin! Bakit ka ba biglang sumusulpot! May lahi ka bang mushroom? Tsk!" inis niyang sabi at halatang nagulat habang tinatakpan ang papel niya.

At syempre, dahil curious ako, hinablot ko ito at sinubukang basahin, pero di ko makita ang mga nakasulat do'n dahil inaagaw rin niya ang papel. Alam mo yung para siyang bata na inagawan ng laruan. Ang cute!

TINA: "Ano ba to? Love letter? Para kanino?" sabi ko habang nakikipag-agawan sa papel niya.

PABLO: "Hayyst! Akin na yan! Ikaw talagang kabute ka!" sigaw naman niya habang inaagaw sa akin ang papel.

TINA: "Sandali, pabasa lang naman eh!" sambit ko rin habang tumatakbo.

Kaya lang naabutan niya ko, at bigla niya kong kiniliti, kaya ayun..

Napaharap ako sa kanya, habang kinikiliti niya ko. Tapos, nagkatinginan kaming dalawa! Kyah! Ang guwapo talaga ng hinayupak na 'to!

Tapos, lumapit bigla yung mukha niya sakin. Nanigas tuloy ako bigla.

OMG!

PABLO: "GOTCHA!" sabay ngisi.

Sheyt! Inabot niya lang pala yung papel sa kamay ko. Waahh! Akala ko hahalikan niya ko eh! Sayang naman!

Medyo uminit yung pisngi ko nang time na yun, pero pinilit kong kumalma at bumalik kami sa bench.

TINA: "Hahaha! Yung mukha mo, parang kamatis! Yung totoo, In-love ka ba?" pabirong sabi ko nang mapansin kong namumula rin siya.

PABLO: "Ano naman kung In-love ako! Manahimik ka ngang KABUTE ka!" inis na sagot niya.

OUCH! So totoo nga! In-love siya! Mali yata na nagtanong pa 'ko! Para kasing may tumusok bigla sa puso ko.

PABLO: "By the way. Where's Lizzy?" biglaang tanong niya.

Si Lizzy? Teka nga! Nitong mga nakaraang araw, bukang bibig niya lagi si Lizzy.

Sa tuwing lalapitan ko siya, una niyang tinatanong kung nasaan si Lizzy? Busy ba si Lizzy? Anong oras uuwi si Lizzy? Ano bang meron?

PABLO: "Huy! Mushroom girl! Tinatanong kita kung nasaan si Lizzy? Did she attend her class today?" tanong niya ulit.

Natulala pala ako nang di ko namamalayan. Ano ba ang meron at lagi niyang hinahanap si Lizzy?

TINA: "Eh, Pablo, Bakit mo nga pala siya hinahanap?" tanong ko naman sa kanya sa mababang tono.

PABLO: "A-haha! Ano kasi.. ahm.. ano.. may.. gusto lang sana akong sabihin sa kanya.." utal-utal niyang sagot at napapakamot pa sa ulo.

Bakit siya nauutal? Di kaya..

OMG! Sana mali ang iniisip ko! Huwag naman po sana!

Okay lang naman sakin kung magkagusto siya sa ibang babae, pero sana naman, huwag yung bestfriend ko.