Pero, mukhang hindi malabo na magkagusto siya kay Lizzy. Kasi maganda siya, matalino, mabait, at marami naman talagang humahanga sa kanya. Di katulad ko, isang hamak na CUTE lang! Walang wala ako kumpara sa kanya.
"Hey! Guys! You're here lang pala!"
Pareho kaming napalingon ni Pablo sa pinanggalingan ng tinig na 'yon. Si Lizzy yun na kumakaway habang papalapit sa'min.
At alam niyo ba kung ano yung mas lalong nagpa-curious sa'kin?
Yung nakita ko ang malapad na pagngiti ni Pablo nang makita siya. Para bang super excited siya nang makita niya si Lizzy, at agad niya itong nilapitan.
PABLO: "Lizzy! Buti naman dumating ka! I was looking for you talaga." nakangiting sabi niya rito.
LIZZY: "Ano ba yan Pablo! Para mo naman akong namiss masyado!" pagbibiro naman niya.
"Hinihintay niyo ba kong dalawa? Why? Anong meron?"
TINA: "Ah! Lizzy si Pab--"
Naputol ang sasabihin ko nang magsalita ulit si Pablo, kasabay no'n ang bigla niyang pag-akbay kay Lizzy, na talaga naman nakapag-pakaba lalo sa nararamdaman ko.
PABLO: "Lizzy, pwede ba kitang makausap? M-may gusto lang sana 'kong.. sabihin sayo.." sabi niya kay Lizzy habang napapakamot sa ulo.
LIZZY: "Hmmm? What is it?" tanong niya.
PABLO: "Gusto ko sana yung tayong dalawa lang". seryosong sabi niya.
LIZZY: "Why don't you spill it out here, Pablo?" suhestiyon naman niya.
TINA: "Oo nga, pwede ko rin bang malaman kung ano yun? Hehe" nakangising sabat ko sa kanila.
Napatingin bigla sa'kin si Pablo, and I was shock sa na-feel ko. Nag-iba kasi bigla yung ekspresyon niya. He seems like irritated.
Napayuko na lang ako at nanahimik,
at binaling niya ulit ang mata niya kay Lizzy.
PABLO: "Lizzy, I want to make it private.. between us". seryosong sabi niya.
Biglang hinawakan ni Pablo ang kamay ni Lizzy at hinila niya ito.
At ako? Ayun, naiwan akong lumulutang ang isipan sa mga nasaksihan ko.
I can feel na there's something sa pag-uusapan nila na kahit ako na kaibigan nila, hindi yun pwedeng marinig. Bakit kailangan silang dalawa lang?
Am I an outcast here? At bakit gano'n na lang yung reaction niya kanina sa'kin?
Tengenengyen! Di ako mapakali! Gusto kong malaman yun.
Kaya palihim ko silang sinundan.
Hanggang makarating sila sa rooftop.
Nagtago ako para hindi nila ko makita. Tapos nag-uusap silang dalawa, at dahil malayo ako, hindi ko sila marinig.
Ilang saglit lang, nakita kong inabot ni Pablo kay Lizzy yung papel na sinusulatan niya kanina.
Nakita kong binasa yun ni Lizzy at napangiti siya.
Para pala kay Lizzy yun. Bakit ba ngayon ko lang napansin ang lahat ng 'to?
Na kapag ako ang kausap ni Pablo, halos magbugbugan kaming dalawa.
Pero kapag si Lizzy ang kausap niya, nagiging seryoso siya.
Kapag magkasama kami ni Pablo, halos mabulgar lahat ng sekreto namin sa isa't isa.
Pero kapag kay Lizzy, kailangan may privacy sa pagitan nila.
Bakit ngayon ko lang napansin yon?
Why didn't i notice, that Pablo is in love with her?
