Until the End

What the Future Holds

JUNE 16, 2034: KEN

Bitbit ang kapeng binili ko ay pinuntahan kita sa tambayan niyo upang pormal na magpakilala sayo ngayong araw na ito.. Unang beses pa lamang kitang nakita, nahulog na agad ang loob ko sayo. Kakaiba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko.

Ang simple mo lang manamit pero ang lakas ng dating. Kaya din siguro napukaw mo ang natutulog kong damdamin. Isang buwan na rin kitang pinagmamasdan. Abala ka sa pakikipaglaro ng basketball sa mga kaibigan mo habang tinatapos ko ang graffiti art na dinedesign ko. Ilang beses kong sinubukang lapitan ka tuwing mag-isa ka nalang ngunit lintek at dinadaga ang dibdib ko tuwing makikita ko ang nangungusap mong mga mata.

Kahit alam kong hindi ang isang tulad ko ang hangad ng puso mo dahil nakita ko kayo sa loob ng coffee shop kasama ng girlfriend mo, ninais ko pa rin na mapalapit sayo.

Natanaw kita mula sa malayo. Mag-isang naglalakad sa isang eskinita. Lalapitan na sana kita ngunit hinarang ka ng isang lalaki.

Mabilis kong narating ang kinaroroonan mo at buong lakas na sinugod ang lalaking bumastos sayo.

Nagalusan man ang mukha ko at nanakit ang katawan ko dahil sa pagtatanggol sayo, wala pa rin kapantay ang sakit na nararamdaman ko dahil alam kong kahit kailan ay hindi mapapasaakin ang puso mo.

"Hindi na dapat tumitig pa sa iyong mga mata, pagka't ikaw nalang ang nakikita."













JUNE 16, 2034: STELL

Maya't-maya akong napapatingin sa pinto ng SB Café at nasasabik na makita ka na ulit.

Unang araw pa lang na nakita kita sa coffee shop ay hindi ka na nawala sa isip ko.

Ilang notes na nga ba ang iniwan ko sa mesa para sayo?

Ilang beses na nga rin ba na sinubukan kong lumapit at magpakilala sayo?

Ngayong araw na ito ay magpapakilala na ako. Napangiti ako at marahang kinapa ang huling note na isusulat ko para sayo sa bulsa ng apron na suot ko.

Sa wakas ay dumating ka na. Bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil muli ko ulit nasilayan ang maamo mong mukha na bumubuo ng araw ko.

Lalapitan na sana kita ngunit naglaho ang ngiti sa aking mukha nang isang lalaki ang pumasok at sinalubong mo ng yakap.

Naglakad kayo papunta sa ibang table habang nakakapit ka sa mga bisig niya.

"Pag-ibig ko'y isang hangin, na hindi mo kailanman madarama."













APRIL 10, 2019: SEJUN

Ang kapayapaang bumabalot sa lugar na ito ay tila sinasakal ang kaluluwa ko.

Ngayon lang ako pumunta dito. Ngayon ko lang masisilayan ang huling himlayan mo.

Habang pinagmamasdan ko ang larawan mong nakakabit sa isa sa mga puno dito sa sementeryo, bumuhos ang masaganang luha sa aking mga mata kasabay ng mga masasaya nating alaala noong nabubuhay ka pa.

"Wala ka man sa tabi ko ngayon, ngunit sa panaginip ko ay naroon ka at kasama kita."











OCTOBER 26,2009: JUSTIN

Dalawang buwan na mula ng umalis ka. Lumipad ka papuntang America kasama ng iyong pamilya. Hindi ko makakalimutan ang araw na pinakita mo sa akin ang scholarship na natanggap mo mula sa A'tin International University. Walang pagsidlan ng ligaya ang mukha mo dahil sa wakas ay matutupad mo na ang mga pangarap mo.

Ngunit iyon din ang araw na nagkaroon ako ng lakas ng loob na ipagtapat ang matagal ko nang ikinukubling damdamin para sa iyo. Ibinuhos ko sa isang sulat sa likod ng notebook mo na hiniram ko sayo ang lahat ng mga hindi ko masabi sa harap mo kasama ng isang pirasong yellow tulips na paboritong bulaklak mo.

Sa ngayon, wala na akong ibang magawa kundi pagmasdan ang bakanteng upuan sa tabi ko.

"Kung nasabi ko ba ang lahat noon, may magbabago ba? Nandito ka pa rin kaya?"











APRIL 10, 2019: JOSH

Inihinto ako ng bus sa lugar na matagal kong hindi napuntahan.

Iginala ko ang aking paningin sa kabuuhan ng playground na nagsilbing paraiso para sa ating musmos na kaisipan.

Muling bumalik sa aking gunita ang mga masasaya nating alaala. Kung paano tayo naghabulan at naglaro sa lugar na ito.

Pinuntahan ko ang puno kung saan sabay nating inukit ang ating pangalan kasabay ng pangakong magsasama habambuhay.

Katulad ng pangalan mong nakaukit sa puno na ito ang alaala mong nakaukit rin sa puso ko.

Sadya nga yatang mapaglaro ang tadhana dahil sa loob ng mahabang panahon ay muli kitang nakita. Ikaw kasama ng anak at asawa mo na masayang namamasyal sa lugar kung saan minsa'y ako ang naging dahilan ng pagngiti at paghalakhak mo.

"Hindi man ako ang kasama mo sa pagtanda mo, pag-ibig ko'y sayo, hanggang sa huli."

Popular stories among Stell fans